CICC: Maging alerto vs text scam sa traffic violations
MANILA, Philippines- Nag-isyu ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng public alert nitong Miyerkules, kasunod ng pagkakatukoy ng bagong wave ng short message service (SMS) o text scams na tuma-target sa mga motorista na may rekord ng traffic violations. Hinikayat nito ang publiko na huwag pansinin ang SMS scams na nagpapanggap na mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA)...
Colombian nat’l tiklo sa P8.5M liquid cocaine
MANILA, Philippines- Nakumpiska ng anti-narcotics authorities ng mga awtoridad ang P8,522,400 halaga ng liquid cocaine nitong Martes ng gabi, kasunod ng pagkakaaresto sa isang Colombian sa isang controlled delivery operation sa Makati City. Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon na nadakip ang 32-anyos na si Santiago Francisco Amado Sopo, na gumagamit ng alyas na Antonio Cordero, bandang...
DA sa livestock farmers: Pagkakasakit ng mga alagang hayop iulat
MANILA, Philippines- Hinikayat ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) nitong Miyerkules ang livestock farmers na iulat ang mga nagkakasakit na alagang hayop upang maiwasan ang outbreaks sa bansa. Kasunod ito ng pag-depopulate ng DA-BAI sa 94 imported goats mula sa United States sa “secluded” farms sa Pampanga at Marinduque, matapos magpositibo sa unang naitalang mga kaso ng Q...
Hirit ng militanteng grupo na ‘demilitarisasyon’ sa WPS ipinagkibit-balikat ng NSC
MANILA, Philippines- Wala sa opsyon ng pamahalaan ang demilitarisasyon sa West Philippine Sea (WPS) sa pagtugon sa mga usapin ukol sa pinagtatalunang teritoryo. Tuwirang sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya na ang makikinabang lamang kasi dito ay ang China. Kaya nga, isang malaking palaisipan sa kanila ang naging panawagan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at kanilang...
Paglilitis sa Degamo slay umarangkada; gag order ipinalabas
MANILA, Philippines- Iprinisenta ng government prosecutors ang una nilang testigo sa unang araw ng paglilitis para sa multiple murder cases ni dating Negros Oriental 3rd District congressman Arnolfo Teves, Jr. Dumalo si Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni governor Roel Degamo, sa paglilitis habang nananatili si Teves sa Timor Leste habang gumugulong ang extradition proceedings laban sa kanya. Bago ang hearing,...
Janine, Gabbi, at Jake, to host 7th Eddys!
Manila, Philippines- Inanunsyo ng the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na sina Janine Gutierrez, Gabbi Garcia, at Jake Ejercito ang magho-host ng 7th edition ng Eddys. Sey ni Salve Asis na presidente ng samahan ay naniniwala siyang "unique flavor" ang hatid nila sa show. 2015 na-establish ang SPEEd at 2017 sila unang nagkaroon ng awards night. 14 acting and technical awards...
Mayor Binay dismayado sa kawalan ng botohan ng kongresista sa EMBO barangays
MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ni Makati City Mayor Abby Binay nitong Miyerkules ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na hindi magkaroon ng eleksyon para sa kongresista sa EMBO barangays. “It seems that the poll body has forgotten that city councilors are elected by legislative district. If the EMBO residents can vote for city councilors, this means they are part of...
NGCP: Wala nang nakaambang red, yellow alerts sa natitirang bahagi ng 2024
MANILA, Philippines- Wala nang inaasahang pagtataas ng grid situation alerts ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa natitirang bahagi ng taon sa nakikitang pagbaba ng demand ngayong tag-ulan. “For 2024, wala tayong nakikitang karagdagang alert so far,” pahayag ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza sa isang press briefing sa San Juan City. “Kapag mainit ang panahon, mas malakas ang...
Lisensya ng tsuper na sangkot sa body-shaming incident pinasususpinde ng LTFRB
MANILA, Philippines- Inirekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office to na suspendihin ang driver’s license ng jeepney driver na nangdiskrimina sa isang pasahero dahil sa kanyang timbang. Batay sa ulat, inirekomenda ito ng LTFRB Board alinsunod sa Land Transportation and Traffic Code. Dagdag pa, papatawan din ng LTFRB ang driver at ang jeepney operator ng...
Maris, napagkamalang si Bini Gwen!
Manila, Philippines- Dahil sa bagong hair style ngayon ni Maris Racal ay napagkamalan siyang miyembro ng girl group na BINI bilang si BINI Gwen. Ito yung video na naglalakad siya sa East Avenue papasok sa Quezon Memorial Circle kung saan ginaganap ang pagtitipon para sa PridePH Festival. Ang sagot ni Maris sa tumatawag sa kanyang BINI Gwen, “Eto yung naglalakad ako...












