Home HOME BANNER STORY Next Ombudsman, dapat may tatlong ‘I’ -Cayetano

Next Ombudsman, dapat may tatlong ‘I’ -Cayetano

212
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na dapat may tatlong “I” ang susunod na Ombudsman.

Ito aniya ay ang “Integrity, Intelligence at Insights.”

Paliwanag ni Cayetano na kinatawan ng Senado sa Judicial and Bar Council sa isang panayam sa media –ang integrity aniya ay kahit anong talino mo kung isa kang corrupt o hindi mapapagkatiwalaan o kung may pinoprotektahan ka ay balewala.

“Ngayon kung may intergrity ka, honest ka pero matalino sayo ang lahat ng corrupt, wala ring mangyayari”, sabi pa ng senador.

Yung insignt naman aniya ay tulad sa nangyari sa DPWH na nababalitaan rin at napapag-uusapan.

“Yung insight, tulad nitong nangyari sa DPWH, it’s the ‘best-kept secret’ in the sense na ngayon lang pumutok. But, it’s not a secret. Nababalitan niyo rin at napag-uusapan sa programa niyo,” aniya.

Ayon pa kay Sen. Cayetano, kapag ang susunod na Ombudsman ay may ganitong pananaw, habang nagsisimula ang korupsyon ay kumilos na.

“Hindi katulad ngayon na parang — pandemic na, our new pandemic now is really corruption na naman,” sabi pa ng Senador. 

Sa unang araw ng isinagawang JBC  interview ngayong Agosto 28  sa mga kandidato para sa susunod na Ombudsman, unang sumalang si Commission on Audit (COA) Chairperson Michael G. Aquino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here