Home NATIONWIDE NGCP franchise gustong ipabawi ni Tulfo sa kapalpakan

NGCP franchise gustong ipabawi ni Tulfo sa kapalpakan

MANILA, Philippines – Gustong ipabawi ni Senador Raffy Tulfo ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sanhi ng patuloy na kapalpakan nito sa obligasyon na maghatid ng sapat na supply ng kuryente tulad sa Panay Island kamakailan.

Sa pahayag, sinabi ni Tulfo, chairman ng Senate committee on energy na obligasyon ng NGCP sa operasyon, pagmamenteni at pagpapaunlad ng power grid ng bansa ngunit sa kabiguan nito, kailangan nang rebyuhin at kung maaari, bawiin ang umiiral na prangkisa nito.

Matinding binatikos ni Tulfo ang NGCP sa patuloy na kabiguan nitong mapanatili ang katatagan ng grid kaya nagkaroon ng malawakang brownout sa Panay Island.

Nairita si Tulfo sa huling kapalpakan ng NGCP na pangalawa nang nangarui matapos magkaroon ng system disturbance sa Panay at Negros Sub-grids mula April 27 hanggang 29, 2023.

“Panahon na para mas mapabilis ang pagrerebisa at agarang pagtanggal ng prangkisa ng NGCP. Mahigit isang dekada at kalahati nang nagsasakripisyo ang taumbayan sa mga kapalpakan nila . Enough is enough!” aniya.

Aniya, dapat natututo na ang NGCP sa nangyaring system disturbance noong Abril ng nakaraang taon sa Panay at Negros Sub-grids at naresolbahan ang isyu para sa mas mahusay na serbisyo.

Kasabay nito, kinausap di ni Tulfo si NEA Administrator Antonio Mariano Almeda hinggil sa updates sa naturang isyu.

Nakakuha si Tulfo ng kopya ng report na isinumite ng ahensiya sa Palasyo.

Nakatakda sa report, sinabi ni Almeda na “the cause of the incident “may potentially be attributed to the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) being unable to provide the necessary ancillary power support when the first unit of Panay Energy Development Corp’s (PEDC) power plant tripped at 12:06 PM on January 2, 2024″ dahil sa boiler feed pump issue.

“Subsequently, at approximately 2:19 PM on the same day, all other power plants in the Panay Islands simultaneously tripped, leading to the shutdown of multiple substations operated by affected electric cooperatives,” ayon pa sa report.

Sinabi ni Almeda sa report na “the lack of ancillary power support from NGCP could have triggered the cascading tripping of the remaining power plants in the Panay Islands thus leading to further blackouts.”

Ginagawa nang paraan ang NEA ang naturang isyu kaya inaasahang maibabalik ang suplay ng kuryente sa Panay Island sa mas lalong madaling panahon.

Nakikipag-ugnayan din si Tulfo sa Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na parehong nakikipag-usap din sa NGCP at ilang apektadong power plants.

“The continued inefficiencies and failure to comply with its obligations mandated by its franchise of NGCP strengthens his firm resolve to review its franchise which he already investigated through a Senate Resolution last year,” giit ng senador.

Nakatakdang ituloy ang imbestigasyon sa Enero 10, 2024. Ernie Reyes