Home NATIONWIDE NGO Forum, CSOs sa ADB: Pagpondo sa mapinsalang proyekto, tigilan na!

NGO Forum, CSOs sa ADB: Pagpondo sa mapinsalang proyekto, tigilan na!

0
NGO Forum, CSOs sa ADB: Pagpondo sa mapinsalang proyekto, tigilan na!
(c) Karl Isaac Santos

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagka-alarma ang civil society organizations, sa pangunguna ng NGO Forum on ADB, kasabay ng 58th Annual Meeting of the Asian Development Bank (ADB), sa patuloy na suporta ng ADB sa mapaminsalang proyekto.

Dahil dito ay ipinanawagan ng Forum Network—kasama ang grassroots communities, labor movements, Indigenous rights defenders, gender justice advocates, at environmental campaigners sa ADB na tapusin na nito ang ‘legacy of destruction’ at magbago ng polisiya.

Sa kabila ng ‘climate rhetoric,’ patuloy umano ang ADB sa pamumuhunan sa fossil fuels, at mga proyekto na sumisira sa komunidad at tumatapak fundamental rights.

“While we recognize that ADB’s current safeguard policy is strong, the Bank is very weak in monitoring the implementation of Environmental Management Plans on the ground, which leads to serious social and environmental issues for local communities,” sinabi ni Hemantha Withanage, international convenor ng NGO Forum on ADB.

“Though the ADB-funded Upper Elahera Canal project in Sri Lanka was designed to transfer 974 MCM, only 223 MCM is currently available to meet the needs of the North Central Province—making it a white elephant,” dagdag pa.

Sa datos ay gumastos ang ADB ng $4.7 bilyon sa gas financing matapos ang adoption ng Paris Agreement, habang patuloy na nangangakong popondo sa renewable energy at maabot ang net-zero emissions pagsapit ng 2050.

Anila, ang double standard na ito ang nagpapakita ng magkasalungat na aksyon ng ADB sa energy investment sa rehiyon.

Samantala, ipinananawagan ang Forum Network ng isang kumpletong reporma sa Accountability Mechanism ng Asian Development Bank (ADB), na anila’y paulit-ulit nang nabigong protektahan ang mga komunidad na apektado ng mga proyekto ng ADB.

Binatikos ng grupo ang kasalukuyang sistema bilang hindi naaabot at hindi epektibo, dahil sa mahihigpit na pamantayan sa pagiging kuwalipikado, kulang sa transparency, at mga remedyo na hindi naipapatupad.

Sa gitna ng isinasagawang pagsusuri ng ADB sa kanilang Accountability Mechanism, iginiit ng Forum Network na ito ay isang mahalagang pagkakataon upang bumuo ng sistemang nakatuon sa katarungan. Kabilang sa mga pangunahing panawagan nila ay ang pag-aalis ng mga hadlang tulad ng “Good Faith Effort” clause, pagpapatupad ng zero-tolerance policy laban sa pananakot at ganting-hakbang, at ganap na pampublikong paglalathala ng lahat ng dokumentong kasama sa pagsusuri.

“Financing fossil fuels, especially gas and related infrastructure in 2025, is a betrayal of our collective future. It’s time for the ADB to shut the door on fossil fuels, lock in pre-project safeguards, and open the gates to true justice for every community affected,” pahayag ni Rayyan Hassan, Executive Director ng NGO Forum on ADB.

Iginiit din ng Forum na dapat saklawin ng bagong mekanismo ang mga financial intermediaries at co-financiers—mga madalas na ginagamit na lusot upang umiwas sa pananagutan. Dagdag pa rito, dapat nitong ganap na igalang ang mga karapatan ng mga Katutubong Pamayanan, kabilang ang kanilang karapatang magbigay ng Free, Prior, and Informed Consent. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here