Home NATIONWIDE No. 1 most wanted sa Calabarzon arestado sa pagdalirot ng menor

No. 1 most wanted sa Calabarzon arestado sa pagdalirot ng menor

MANILA, Philippines – HINDI na nagawang makapalag ng isang lalaki nang arestuhin ito ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest sa kasong statutory rape sa Barangay Cansuso Cavinti, Laguna.

Ang suspek ay nasa rank no.1 most wanted person sa lalawigan ng Calabarzon na pansamantalang nasa kustodiya ng Cavinti, Laguna Municipal Police Station na nakilala sa alyas Joms, nasa hustong gulang, at residente ng nabanggit na lugar.

Base sa report ni PMaj. Celso Jhune D. Talampas hepe ng pulisya kay PCol Gauvin Mel Y. Unos, Laguna Provincial Director, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong statutory rape.

“Sa mas pinaigting na police operation ng Laguna PNP at sa tulong ng ating kumonidad ay mas naging matagumpay ang nasabing police operation na nagresulta ng pagkakaaresto ng nasabing akusado gayundin mabibigyan na ng hustisya ang kanyang nabiktima,” ani PCol Unos. Ellen Apostol