Home NATIONWIDE Non-PNP personnel na magpapaputok ng warning shot maaaring kasuhan – PNP

Non-PNP personnel na magpapaputok ng warning shot maaaring kasuhan – PNP

55
0

MANILA, Philippines – Maaaring maharap sa reklamong kriminal ang non-Philippine National Police (PNP) personnel na magpapaputok ng warning shots, ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño nitong Biyernes, Mayo 15.

Sa press briefing, sinabi ni Tuaño na, “Sa mga insidente na mga halimbawa na warning shot outside PNP personnel, may batas kasi na maaaring mag-govern sa nasabing mga insidente.”

“Ito ay ang indiscriminate firing na under Revised Penal Code o posibleng paglabag sa alarms and scandal na nandun din sa revised Revised Penal Code,” dagdag pa niya.

Ang pahayag ay kasabay ng patuloy na pag-iimbestiga sa pinakahuling shooting incident sa Senado.

Noong Miyerkules ng gabi ay naganap ang shooting incident sa Senado.

Nitong Huwebes, sinabi ng Malakanyang na si Senate Sergeant-at-Arms at retired Police Major General Mao Aplasca ang unang nagpaputok ng warning shot.

Ayon naman kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nakapagpaputok ng 27 shots ang mga tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) habang lima naman sa hanay ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ani Aplasca, una munang nag-isyu ng verbal warning ang tauhan ng OSAA bago ang pagpapaputok. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here