Home NATIONWIDE Non-working days sa Pinas, ideneklara ng Malacañang

Non-working days sa Pinas, ideneklara ng Malacañang

80
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara ang Malacañang ng ilang espesyal na non-working days sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula Abril 30 hanggang Mayo 2026 upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng mga lokal na anibersaryo at pista.

Sa isang advisory na inilabas ng Office of the Executive Secretary, sinabi na ang mga deklarasyon ay batay sa iba’t ibang proklamasyon para sa mga founding anniversary, cityhood anniversary, at cultural festivals.

Sa Abril 30, ipatutupad ang special non-working day sa San Francisco, Quezon para sa founding anniversary nito at sa Calatagan, Batangas para sa Cultural Day.

Sa Mayo, ipagdiriwang ng Santiago City, Isabela ang cityhood anniversary nito sa Mayo 5, habang magdiriwang ng ika-59 na founding anniversary ang President Roxas, Cotabato at Bayog, Zamboanga del Sur sa Mayo 8. Makikiisa rin sa pagdiriwang ang Caramoan, Camarines Sur sa parehong araw.

Sa Mayo 9, ipagdiriwang ng San Jose, Negros Oriental ang Charter Day nito, kasunod ang founding anniversaries ng Llanera, Nueva Ecija at Aparri, Cagayan sa Mayo 11.

Kabilang sa mga pista sa Mayo 15 ang Pinyahan Festival sa Calauan, Laguna, Agawan Festival sa Sariaya, Quezon, at Mayohan Festival sa Tayabas City, Quezon. Ipagdiriwang din ng Gigmoto, Catanduanes ang founding anniversary nito sa parehong araw.

Ilan pa sa mga idineklarang special non-working days ay ang Mayo 21 sa Malabon City para sa ika-427 anibersaryo nito, Mayo 22 sa Gingoog City, Misamis Oriental para sa Lubi-Lubi Festival, at Mayo 26 sa Baliwag City, Bulacan para sa founding anniversary nito.

Karaniwang idinedeklara ang special non-working days upang mabigyang pagkakataon ang mga residente na makilahok sa lokal na pagdiriwang habang nagpapatuloy ang mga gawaing pang-ekonomiya sa ibang lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here