MANILA, Philippines – Malaking ginhawa para kay coach Norman Black ang desisyon ng mga organizer ng SEA Games na ipatupad ang “passport-only” rule sa eligibility ng men’s basketball players.
Kinumpirma ng mga organizer na hindi na gagamitin ang mas mahigpit na FIBA rule, na tanging pumapayag lamang sa mga manlalaro na nakakuha ng pasaporte bago mag-16 anyos kaya’t makakalaro ang mga Fil-foreign players ng Pilipinas. Tiniyak naman ng coach na makatutulong si Brandon Ganuelas-Rosser sa kampanya ng team dahil mayroon na itong karanasan sa international competitions at SEA Games. Gayunman, sinabi ni Black na magiging hamon pa rin ang availability ng iba pang manlalaro tulad nina Ray Parks, Mike Phillips, Kymani Ladi, Dave Ildefonso, at Jason Brickman na abala pa sa kani-kanilang liga hanggang Disyembre. GP