Home TOP STORIES ‘Not guilty’ plea inihain ni Maduro sa US court

‘Not guilty’ plea inihain ni Maduro sa US court

238
0

UNITED STATES – Humarap si dating Pangulong Nicolas Maduro sa federal court sa New York nitong Lunes at nag plead ng “not guilty” sa apat na krimen, kabilang ang narco-terrorism, cocaine importation conspiracy, at pagmamay-ari ng machine guns at destructive devices.

Humarap din ang kanyang asawa, si Cilia Flores, at nag plead ng not guilty.

Ang susunod na pagdinig ay itinakda sa Marso 17.

Ayon sa US prosecutors, pinamunuan ni Maduro ang isang cocaine-trafficking network na kinasasangkutan ang Sinaloa at Zetas cartels sa Mexico, FARC rebels sa Colombia, at Tren de Aragua gang sa Venezuela.

Matagal niyang itinanggi ang paratang, sinasabing ito ay maskara lamang para sa interes ng US sa langis ng bansa.

Sa kabila ng tensyon, nagpakita ng posibleng kooperasyon ang acting Venezuelan president na si Delcy Rodriguez, at inimbitahan ang US na makipagtulungan sa “agenda of cooperation.”

Gayunpaman, nagbanta si Trump ng karagdagang aksyon kung hindi makikipagtulungan Venezuela sa pagbubukas ng oil industry at pagtigil sa droga.

Ipinahayag ng UN at ilang bansa tulad ng Russia, China, at Iran ang pag-aalala sa legalidad at panganib sa katatagan ng Venezuela, habang ang mga kaalyado ng US at ilang opisyal sa oil industry ay nagpakita ng interes sa posibilidad ng pag-access sa langis ng bansa.

Sa US, nagdulot ang operasyon ng political debate, kung saan 1 sa 3 Amerikano ang sumang-ayon sa aksyon, ngunit 72% ang nag-alala sa posibleng labis na pakikialam sa Venezuela.

Sa loob ng bansa, nananatiling may kapangyarihan ang mga kaalyado ni Maduro, kaya’t hindi pa ipinagdiriwang ng mga kalaban niya ang operasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here