Home NATIONWIDE ‘Not guilty plea’ ipinasok ng korte sa Degamo slay vs Teves

‘Not guilty plea’ ipinasok ng korte sa Degamo slay vs Teves

MANILA, Philippines – Binasahan na ng sakdal si dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., na akusado sa pagpatay kay Governor Roel Degamo noong 2023.

Isinagawa ang pagbasa ng sakdal sa pamamagitan ng video conference ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51.

Tumanggi si Teves na maghain ng plea, kaya’t awtomatikong naghain ang korte ng not guilty plea para sa kanya sa 10 counts ng murder, 13 counts ng frustrated murder, at 4 counts ng attempted murder.

Para sa pamilya Degamo, ang naganap na arraignment ay itinuturing nilang mahalagang hakbang sa pagkamit ng hustisya.

Itinakda ng korte ang pre-trial ng mga kaso sa Agosto 20.

Samantala, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, na kanilang pinag-aaralan ang paghahain ng petition for bail.

“Usually, a petition for bail is filed after pre-trial. Magmamarka kami ng mga ebidensya, magko-comment ang kabila. Sa ganitong paraan malalaman namin kung alin sa mga ebidensya ang katanggap-tanggap at alin ang puwedeng hindi gamitin,” ani Topacio. (Teresa Tavares)