Home METRO Notoryus na gunman patay sa resbak ng trike driver

Notoryus na gunman patay sa resbak ng trike driver

196
0

MANILA, Philippines – Isang notorious na gunman ang namatay habang sugatan ang isang tricycle driver nang gumanti ang huli matapos siyang pagbabarilin sa kahabaan ng Brgy Balite 1 Silang, Cavite

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaki na unang namaril na namatay matapos gantihan ng bibiktimahin nito habang sakay na magkaangkas sa motor.

Ginagamot naman sa Velasco Hospital ang biktima na si Angelito Delos Santos Alfonso, nasa wastong edad, dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, bandang alas-11:40 kamakalawa ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Balite 1st, ng nasabing bayan patungo sa direksyon ng Silang town proper habang nakasunod sa kanya ang riding in tandem na suspek.

Pagsapit sa pinangyarihan ng insidente, walang sabi-sabing pinaputukan ng hindi nabatid na kalibre ng baril ng backrider ang biktima.

Bagama’t may tama ang biktima, bumaba sa kanyang motorsiklo at tinangkang tumakas subalit sinundan siya ng mga suspek at muling pinaputukan.

Inilabas naman ng biktima ang dala niyang baril at pinaputukan ang backrider na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan habang ang kasama nito ay tumakas.

Kahit may tama ng bala, nagawang isugod ng biktima ang kanyang sarili sa ospital kung saan kasalukuyan itong ginagamot.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pamamaril at kung may kaukulang dokumento ang baril na gamit ng biktima. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here