Home OPINION NPD, METRO’S DISTRICT-WIDE UPER TOPNOTCHER

NPD, METRO’S DISTRICT-WIDE UPER TOPNOTCHER

DAHIL sa kanilang ‘di matatawarang dedikasyon sa kahusayan sa serbisyo at pagtupad sa tungkulin, nagbunga ang kasipagan ng ‘men and women’ ng Northern Police District.

Sa magaling na patnubay ni P/BGen. Rizalito Gapas, district director ng NPD, sa kanyang nasasakupan na tinatawag na CAMANAVA, nasungkit ng NPD ang district-wide Unit Performance evaluation Rating o UPER.

Ang NPD o CaMaNaVa,  binubuo ng mga magkakatabing lungsod ng Caloocan, Malabon,  Navotas at Valenzuela ay nakakuha ng 97.55% rating kaya nahirang na Metro’s UPER topnotcher ng  buwan ng Marso.

Ang UPER ay isang sistema na nagsisilbing gabay o sukatan para sa evaluation ng mga unit sa Philippine National Police kung paano isinasagawa’t isinasakatuparan ang kanilang mandato.

Dinisenyo ito bilang standard tool ng PNP na gagamitin para sa komprehensibong pagsusuri sa pagganap ng iba’t ibang opisina at yunit ng pambansang pulisya.

Pinuri ni Gapas ang dedikasyon ng kanyang mga tauhan na walang pagod at hindi natitinag sa pagtutulak sa distrito upang makamit ang tagumpay.

Ang kanilang pagtitiwala sa pagpapanatili ng halaga ng integridad, propesyonalismo at pagsisilbi sa publiko ay nagpapakita ng pinakamataas na pamantayan ng PNP.

Ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay hindi lamang nagpapakita ng ehemplaryong liderato ni Gapas kundi nagpapalakas din ng kolektibong pagsisikap at pagkakaisa na ipinakita ng bawat miyembro ng NPD.

Ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at seguridad sa komunidad na kanilang pinagsisilbihan ay tunay na nakakabilib kung kaya’t karapat-dapat sa pagkilala ang naturang police district.

Hurrah kay P/BGen Gapas at mabubay ang mga pulis ng CAMANAVA.