Home METRO Number coding suspendido ngayong Huwebes, Hulyo 25 – MMDA

Number coding suspendido ngayong Huwebes, Hulyo 25 – MMDA

150
0

MANILA, Philippines- Suspendido ang expanded number coding scheme ngayong Huwebes, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Inanunsyo ito kasunod ng suspensyon ng Malacanang ng trabaho sa pamahalaan at mga klase sa lahat ng lebel sa Metro Manila, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Central Luzon, base sa MMDA sa Facebook post nitong Miyerkules.

“Suspendido pa rin ang pagpapatupad ng  Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) sa July 25 (Huwebes) kasunod ng anunsiyo ng Malacanang na walang pasok sa mga sangay ng pamahalaan at  lahat ng antas ng paaralan sa Metro Manila, Region III at Region  IV-A dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng bagyong #CarinaPH at Southwest Monsoon,” saad sa post.

Pinaalalahanan din ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang “unnecessary travel” at mag-ingat.

Samantala, sa hiwalay na abiso, iniulat ng state weather bureau na nakalabas na si Bgayong Carina ng Philippine area of responsibility nitong Huwebes ng umaga. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here