Home METRO Obrero, arestado sa pagpatay sa 2 kataong nanghuhuli ng gagamba sa Quezon

Obrero, arestado sa pagpatay sa 2 kataong nanghuhuli ng gagamba sa Quezon

3
0

QUEZON, Philippines – Arestado ang isang obrero matapos umanong pagbabarilin ang dalawang lalaki na nanghuhuli ng gagamba sa Purok Jasmine, Barangay Domoit, Lucena City, dakong alas-10:30 kagabi.

Kinilala ang suspek sa alyas “Ton,” na umano’y biglang nagpaputok ng shotgun habang kasama ng dalawang biktima ang apat nilang kaibigan. Nakatakbo naman ang apat na kasama.

Narekober sa lugar ang dalawang basyo ng shotgun at agad na naaresto ang suspek. Nakumpiska rin sa kanya ang ginamit na armas.

Nahaharap si Ton sa dalawang bilang ng murder. ELLEN APOSTOL

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here