Home METRO Obrero pisak sa crane boom sa konstruksyon

Obrero pisak sa crane boom sa konstruksyon

62
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang construction worker matapos mabagsakan ng crane boom habang isinasagawa ang konstruksyon ng isang tulay sa Occidental Mindoro.

Sinabi ng pulisya na ang 61-anyos na biktima ay hindi nakasuot ng personal protective equipment (PPE) nang mangyari ang insidente. Idineklara siyang dead on arrival sa ospital.

Arestado naman ang crane operator at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. Wala pa itong pahayag hinggil sa insidente.

Naglabas na rin ng cease and desist order ang Department of Public Works and Highways (DPWH) laban sa contractor at iniutos ang imbestigasyon sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here