Home METRO OFW, kalive-in utas sa tarak habang natutulog sa Pangasinan

OFW, kalive-in utas sa tarak habang natutulog sa Pangasinan

17
0

VILLASIS, Pangasinan – Patay ang isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) at kaniyang live-in partner matapos umano silang pagsasaksakin habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pias, Villasis, Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na isang 40-anyos na OFW at kaniyang 42-anyos na kinakasamang magsasaka.

Ayon sa pulisya, pangunahing suspek sa krimen ang isang 47-anyos na magsasaka na dating kinakasama ng OFW.

Batay sa paunang imbestigasyon, natutulog ang mga biktima nang maganap ang pananaksak.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at matunton ang suspek na nananatiling nakatakas.

Nanawagan naman ng hustisya ang mga kaanak ng mga biktima. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here