Home METRO OFW tigok sa sakal ng sinturon ng kinakasama

OFW tigok sa sakal ng sinturon ng kinakasama

MANILA, Philippines — Patay ang isang overseas Filipino worker matapos sakalin ng kanyang kinakasama nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Malate, Maynila Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Flordeliza Talaro, 27, tubing Davao de Oro at nanunuluyan sa 584-7A Gumamela St., Barangay 704, Malate, Manila.

Kusa namang sumuko ang live-in partner nito at suspek na si Jhunrey Basta y Florito, 33-anyos, tubong Davao Del Norte at construction worker.

Sa imbestigasyon ng MPD-Homicide Section, 8:40 ng gabi nang mangyari ang krimen sa loob ng kuwarto ng mag-live in.

Bago ang insidente, nag-inuman ang dalawa nang biglang mag-away na nauwi sa pananakal ng suspek ng sinturon ang biktima.

Matapos ang insidente, boluntaryong sumuko ang suspek at inireport ang nangyari sa MDRRMO office na siyang nagbigay naman ng impormasyon sa Adriatico Police Community Precinct.

Kasong Homicide ang maaring kaharaping kaso ng suspek ayon sa imbestigador. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)