Home ENTERTAINMENT Ogie, may bwelta kay Bea sa ‘bagong jowa isyu’!

Ogie, may bwelta kay Bea sa ‘bagong jowa isyu’!

Manila, Philippines – Sa kanyang huling panayam, nilinaw ni Bea Alonzo na single siya at the moment.

Taliwas naman ito sa latest vlog ni Ogie Diaz.

Ayon kasi sa talent manager cum content creator, nakasagap siya ng balitang “taken” na raw ang Kapuso actress.

According to Ogie’s source, ang ipinalit umano ni Bea kay Dominic Roque ay half-Pinoy half-foreigner.

Nagpasintabi pa si Ogie na kung accurate ang kanyang nasagap na balita’y masaya raw siya para sa aktres.

‘Yun din naman daw kasi ang gustong makita ng mga tagahanga ni Bea who’s starting to pick up her broken pieces.

Obyus na nakarating kay Ogie ang pahayag ng aktres na wala raw siyang nobyo.

Dahil dito, Ogie took to his Facebook story ang kanyang reaksyon sa tinuran ni Bea.

Nag-aalangan pa nga ang marami kung para ba kay Bea ang nilalaman ng FB Story ni Ogie.

Post kasi ni Ogie: “Huwag nang magsinungaling…may ebidensya ako! Ano naman ang masama kung totoo, eh, masaya nga ako kung ganoon? Bakit kailangang ilihim?”

Malayo naman ‘yon sa tono ng pagtataray, it’s just that Ogie sees nothing wrong kung sakali ngang in love na uli si Bea.

Besides, wala naman sigurong bearing ito sa cyber libel case na isinampa ni Bea laban kay Ogie at isa nitong co-host, ‘di ba? Ronnie Carrasco III