Home ENTERTAINMENT ‘Tomboyan’ nina Jane at Janella, kinakiligan!

‘Tomboyan’ nina Jane at Janella, kinakiligan!

Manila, Philippines – Para sa mga certified members ng LGBTQIA+ community, swak sa isang GL o girl’s love sina Jane de Leon at Janella Salvador.

Matatandaang they first worked together in ABS-CBN’s TV remake of Darna.

Jane played the iconic Darna role samantalang her nemesis Valentina naman ang ginampanan ni Janella.

While both are straight roles, minsan nang sinabi nina Jane at Janella na open sila to headline GL films.

Kaabang-abang nga ito if ever considering na sa totoong buhay, both live heterosexual lives.

Muli na namang binuhay ng dalawa ang interes ng mga kaanib sa naturang komunidad with their photos together on Jane’s Instagram account.

One picture has them together at an art gallery.

Ang ikalawa namang larawan shows Jane and Janella at a coffee shop obviously lounging around.

Nilakipan ni Jane ‘yon ng caption na: “Do you miss us?”

Na sinagot naman ni Janella ng: “imy!”

All the more na kinilig ang mga lesbians lalo’t itinaon pa nilang Pride Month.

Lalo tuloy lumakas ang clamor that Jane and Janella star in a GL movie.

Kung sakali, maituturing na pre-sold na ang proyektong ‘yon with minimum effort to promote and attract the LGBTQIA+ audience.

Marami ang nagsasabing whoever or whichever film company will bankroll the project will surely laugh its way to the bank.

Bakit nga ba hindi? Ronnie Carrasco III