Home NATIONWIDE Mga gusali sinilaban sa kaguluhan sa New Caledonia

Mga gusali sinilaban sa kaguluhan sa New Caledonia

NEW CALEDONIA – Sinilaban ang ilang gusali, kabilang ang isang police station at town hall sa pinakabagong serye ng karahasan sa New Caledonia.

“The night was… marked by unrest throughout the mainland and on the island of Pins and Mare, requiring the intervention of numerous reinforcements: with attacks on the police, arson and roadblocks”, ayon sa High Commission, na nagrerepresenta sa French state sa naturang archipelago.

Matatandaan na nagsimula ang mga riot at looting sa New Caledonia noong Mayo dahil sa electoral reform plan na pinangangambahang mag-aalis sa Indigenous Kanak people sa permanent minority.

Nagresulta ang kaguluhan sa siyam na nasawi at pinsalang mahigit 1.5 billion euros o $1.6 billion.

Rumesponde naman ang French government sa pagpapadala ng mahigit 3,000 tropa at pulisya sa teritoryo ng France na halos 17,000 kilometro ang layo mula sa Paris.

Ayon sa ulat, sinunog ang municipal police station ng Dumbea, hilaga ng Noumea, kasama ang garahe nito.

Nagkaroon din ng mga serye ng sunog sa Ducos at Magenta districts ng Noumea, habang nagkaroon din ng sagupaan sa pagitan ng pulisya at separatists sa Bourail. RNT/JGC