Home METRO Bebot tiklo sa shabu na ipinalaman sa pandesal

Bebot tiklo sa shabu na ipinalaman sa pandesal

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang 20-anyos na babae matapos na ipalaman sa pandesal ang shabu, sa Kabankalan City Jail nitong Sabado, Hunyo 22.

Nahuli ang babae na may isang sachet ng hinihinalang shabu na nakapalaman sa isang pandesal na bumisita sa kanyang boyfriend na nasa kulungan.

Isinailalim si Vison sa inspeksyon bilang bahagi ng protocol para sa mga bumibisita sa kulungan.

Nakuha ng pulis ang isang piraso ng pandesal sa isang plastik.

Nadiskubre rito ang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Ayon kay Vinson, humiling umano ang boyfriend sa suspek na magdala ito ng kontrbando sa susunod nitong pagbisita.

Dito nga ay ginawa ng babae ang hiling ng kasintahan.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. RNT/JGC