Home METRO P8M ari-arian naabo sa sunog sa Bacolod

P8M ari-arian naabo sa sunog sa Bacolod

MANILA, Philippines – Naabo ang nasa P8 milyong halaga ng ari-arian sa sunog na sumiklab sa Gatuslao St., Barangay 13, Bacolod City nitong Linggo, Hunyo 23.

Naabo sa sunog ang tatlong palapag na gusali at nadamay din ang tatlo pang establisyimento.

Ayon kay Fire Supt. Jenny Mae Masip, city fire marshal, sumiklab ang sunog 9:48 ng umaga sa ikalawang palapag ng pastry shop.

Itinaas sa ikatlong alarma ang sunog at kalaunan ay kumalat pa sa dalawang kalapit na establisyimento na nagbebenta ng assorted products, clothing at cellphone accessories.

Ani Masip, napinsala rin sa sunog ang storage room ng isa sa mga establisyimento na isang fashion shop na nasa ikatlong palapag ng gusali.

Wala namang nasaktan sa sunog. RNT/JGC