Home METRO HVI arestado sa P430K shabu sa Pangasinan

HVI arestado sa P430K shabu sa Pangasinan

PANGASINAN- Swak sa kulungan ang isang high value individual (HVI) matapos na masamsaman ng mga otoridad ng 63.3 gramo ng hinihinalang shabu sa bayan ng Sta. Barbara ng lalawigang ito kahapon, Hunyo 23.

Base sa press release na inilabas ni Police Lt.Col. Benigno C. Sumawag, Chief ng Regional Police Information Office ng PRO1, ang suspek ay isang tricycle driver, 45-anyos, may asawa, residente ng naturang bayan.

Nakarekober ng 19 na heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P430,440.00 ang mga tauhan ng Sta. Barbara Municipal Police Station nang isilbi nila ang isang search warrant laban sa suspek.

Ang naturang search warrant laban sa suspek na may petsang June 19, 2024 ay inilabas ng Executive Judge ng RTC Branch 40, Dagupan City, Pangasinan.

Ginawa doon mismo sa site ang ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya, na sinaksihan ng mga mandatory witnesses at ng suspek.

Ikinatuwa ni PRO1 Regional Director PBGen. Lou F. Evangelista ang tagumpay na ito ng mga PNP personnel sa kanyang nasasakupan.

“I commend the team for the successful arrest ang seizure of suspected shabu. Your dedication, teamwork, and commitment to upholding the law are truly commendable. Let this achievement inspire us to continue our efforts in maintaining peace and order in our region. Together, we can make difference and create a safer community for all,” wika ni Evangelista. Rolando S. Gamoso