Home ENTERTAINMENT David, posibleng ma-in love kay Barbie!

David, posibleng ma-in love kay Barbie!

Manila, Philippines – Pagkatapos mapanood sa hit series na Maria Clara at Ibarra at Maging Sino Ka Man ang loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco, ngayon ay sa wide screen naman mapapanood ang dalawa sa pelikulang That Kind of Love.

Maraming local films ang hindi kumikita ngayon sa takilya.

May pressure ba sa kanila na baka pati ang movie nila ay hindi panoorin ng publiko?

“Yes, there is pressure. But as long as we’ll do our best promoting the movie, naniniwala ako na papatok ito.

“And masasabi ko at maipagmamalaki ko na maganda talaga itong movie namin, na siguradong lahat ng taong in-love ay makaka-relate sa movie namin,” sabi ni David.

Alam ng lahat na may boyfriend na si Barbie na si Jak Roberto.

Sa tanong kay David na kung sakaling single si Barbie, posible kayang ma-in love siya sa dalaga?

Ang sagot niya, “To be honest, Barbie is a girlfriend material. She is nice, beautiful and very kind.

“So to answer that question, yes! But of course, we are here as a loveteam, and we just do our best para pakiligin ang aming fans as a loveteam.”

Ang sundot na tanong kay David ay kung single ba siya ngayon o taken na.

“What you see is what you get. Kung may nakita kayo sa social media ko na may kasama ako or sa daan na may ka-holding hands, kayo na po ang humusga,” sagot niya.

Sumingit naman si Barbie at dumipensa para kay David, “Alam n’yo po kung may higit na nakakakilala kay David ako po ‘yun kasi ako ang madalas niyang nakakasama.

“He is a private person and as much as possible ayaw niyang pinag-uusapan ang personal niyang buhay kaya hayaan na lang po natin siya, sa kanyang personal na buhay,” sabi pa ni Barbie.

Showing na ang That Kind Of Love sa July 10 sa lahat ng mga sinehan nationwide.

Kasama rin sa pelikula sina Arlene Muhlach, Al Tantay, Jeff Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet at Kaila Estrada. Ito’y mula sa panulat ni Ellis Catrina at direksyon ni Catherine Camarillo. At produced ng Pocket Media Productions Inc. Rommel Placente