Home NATIONWIDE Imee Marcos nanindigan sa buong suporta kay VP Sara

Imee Marcos nanindigan sa buong suporta kay VP Sara

MANILA, Philippines – Nanindigan si Senador Imee Marcos sa kanyang buong suporta para kay Vice President Sara Duterte na kamakailan ay nagbitiw sa lahat ng kanyang mga trabaho bilang gabinete sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Paulit-ulit lang naman na anuman ang mangyari, ang aking paniniwala at pagmamahal para kay Vice President Sara ay mananatili. Anumang laban, anumang hakbang, anumang hinaharap ako’y kasama niya,” ayon kay Marcos sa isang ambush interview nitong Lunes, Hunyo 24.

Noong Hunyo 19, inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na nagbitiw si Duterte bilang miyembro ng gabinete ni Marcos, Education chief at vice chairperson ng National Task Force to End Lodcal Communist Armed Conflict.

Hindi naman tinukoy ng Malacañang kung ano ang dahilan ng pagbibitiw sa pwesto ni Duterte. RNT/JGC