Home ENTERTAINMENT PPOP RISE: Kilalanin ang PEARLS according to Press Hit Play members!

PPOP RISE: Kilalanin ang PEARLS according to Press Hit Play members!

MANILA, Philippines – Filipinos love music! Isa iyan sa dahilan kung bakit patok na patok ang iba’t ibang mga bands, music groups and artists sa Pilipinas.

Sa katunayan ay very diverse na rin ang variety ng music na mapapakinggan ng mga Pinoy at isa na rito ay ang P-pop.

Sa pamamayagpag ng P-pop these days, kasabay ng pagsikat ng iba’t ibang P-pop groups ay ganoon din ang mainit na suporta na ibinibigay ng kanilang mga fans.

Isa na rito ay ang PEARLS o ang tawag sa mga fans ng sikat na P-pop group na PRESS HIT PLAY.

Sa panayam ng REMATE ONLINE sa mga miyembro ng Press Hit Play na sina CHRLS, JP, Sev, at Yuuki, ibinahagi ng mga ito ang kanilang experiences interacting with their fans o tinatawag nilang ‘family.’

Ayon kay JP, karamihan sa mga PEARLS ay nagpupuyat pa sa kanilang mga events at pag-stream sa mga inilalabas na bagong awitin.

Very commendable din para sa PRESS HIT PLAY ang mga fans na galling pa sa malalayong lugar pero nagagawa pa ring makadalo sa kanilang mga mall shows and other events.

“Sa akin naman, isa sa pinaka-memorable sa akin na ginagawa nila is everytime may events, nag-eeffort sila na gumawa ng mga printouts natin, magbigay ng mga photocards and hand fan hindi lang sa mga PEARLS kundi sa iba pang mga naroon,” pagbabahagi naman ni Sev.

Photo courtesy of Press Hit Play – Pearls
Photo courtesy of Press Hit Play – Pearls

“It means so much to us kasi sila mismo yung nagpapakilala sa amin din. Sobrang thankful kami,” dagdag pa niya.

Very well appreciated naman ni CHRLS ang presensya ng mga fans sa bawat gigs nila kaya Kahit ang mga simpleng bagay na ito ay Malaki for him.

“Yung presence ng PEARLS is ano eh… sobra-sobra. Naaappreciate namin lahat ng ginagawa nila,” aniya.

Ang mga letters na ibinibigay naman sa PRESS HIT PLAY ng mga fans ang nag-stand-out para kay Yuuki dahil doon umano nila mas nakikita ang impact ng kanilang grupo sa buhay ng bawat mga fans.

Sa naturang interview, nag-alay din ng kanta ang PRESS HIT PLAY para sa kanilang PEARLS. Ito ay ang awiting “Sambit” na patungkol sa pag-abot sa mga pangarap at paraan din ng pagpapasalamat ng grupo para sa kanilang mga fans.

Panoorin ang full interview sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=tCkGAbDQ8zk

RNT/Josh Castro