Home METRO Lalaki patay sa armed encounter sa Tondo

Lalaki patay sa armed encounter sa Tondo

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki sa naganap na armed encounter sa pagitan ng isang miyembro ng pulisya sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi, Hunyo 23.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang nasawi na si Jonathan Marcial ng General Trias, Cavite dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa imbestigasyon, pasado alas-6 nitong Linggo nang mangyari ang insidente.

Nauna rito, hinahabol umano ni Marcial ang isang alyas ‘Jody’ habang nakakasa ang hawak nitong baril.

Tiyempo namang nakatira sa nasabing lugar si PCpl Jonerick Gueta, nakatalaga sa PS-12 ng Manila Police District, kaya agad itong rumesponde at nagpakilala bilang pulis.

Gayunman, sa halip na sumuko ay itinutok ang kanyang baril sa pulis at tinangkang paputukan ito.

Naging maagap naman si Gueta nang maramdamang nasa panganib ang kanyang buhay kaya agad niyang pinaputukan ang suspek na nagresulta ng kanyang pagkamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden