Home HOME BANNER STORY Oil Deregulation Law, lulusawin ni Sotto

Oil Deregulation Law, lulusawin ni Sotto

161
0

MANILA, Philippines – Inihain ni Senate President Vicente Sotto III ang panukalang ganap na pagpapawalang-bisa ng Republic Act 8479, na naglalayong ibalik sa pamahalaan ang kapangyarihang mag-regulate ng presyo ng langis sa bansa.

“Ako ay hindi bumoto pabor sa pagpasa ng Oil Deregulation Law noong 1998, at noong 2022 ay itinulak ko ang pagrerepaso ng batas na ito,” ani Sotto.

Matagal nang tutol si Sotto sa Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 na nagbukas sa malayang pagtatakda ng presyo ng mga kumpanya sa industriya ng langis.

Bago ang RA 8479, ang Energy Regulatory Board ang nagtatakda ng presyo ng produktong petrolyo batay sa pandaigdigang presyo ng langis at palitan ng dolyar, habang sinasalo ng Oil Price Stabilization Fund ang mga pagbabago upang maiwasan ang biglaang pagtaas o pagbaba ng presyo sa merkado.

“Panahon na upang ibalik sa estado ang kapangyarihang pamahalaan ang presyo ng langis. Sa gitna ng epekto ng tensyon sa Middle East sa ating presyo ng petrolyo, higit na kinakailangan ang transparency, masusing pagsusuri, at pagkakapare-pareho sa pagpepresyo,” pagtatapos ni Sotto. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here