Home NATIONWIDE Oil price hike nagbabadya na naman!

Oil price hike nagbabadya na naman!

310
0

MANILA, Philippines – ASAHAN na ng mga motorista ang panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo na ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.

Ayon sa pamunuan ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, batay sa apat na araw na kalakalan sa MOPS (Mean of Platts Singapore), inaasahan nila ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo kung saan nasa humigit-kumulang P0.30 sa kada litro ng gasolina, P0.80 sa kada litro ng diesel at kerosene.

Nabatid pa na ang pagtataya sa presyo ng gasolina para sa susunod na linggo ay hindi kasama ang gastos sa pagnenegosyo ng mga kumpanya ng langis at iba pang kaugnay na mga premium.

Sinabi ni Romero na tumataas ang presyo ng gasolina dahil sa mga posibilidad ng mga “sanctions” o parusa ng US sa mga kompanya ng langis sa Russia kaugnay ng digmaan sa Ukraine, tulad ng inanunsyo ni Pangulong Donald Trump at ang pagbaba ng pamumuhunan sa krudo ng US dahil sa mas malakas na demand sa refinery.

Ang mga kompanya ng gasolina ay karaniwang nag-aanunsyo ng kanilang oil price adjustment tuwing Lunes at ipatutupad sa susunod na araw.

Matatandaan na epektibo noong Martes, Oktubre 21, nagtaas ang mga kompanya ng langis ng presyo kada litro ng gasolina ng P0.10, habang P0.70 naman sa diesel, at P0.60 sa kerosene. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here