Home NATIONWIDE Oil price hike sa sunod na linggo, nakaumang

Oil price hike sa sunod na linggo, nakaumang

299
0

MANILA, Philippines – Kapit para sa mga motorista dahil sa panibagong taas-presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes.

Batay sa apat na araw na kalakalan sa Mean of Platts Singapore (MOPS), inaasahang tataas ng humigit-kumulang ₱0.50 kada litro ang gasolina, ₱0.40 ang diesel, at ₱0.10 ang kerosene, sabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Malalaman ang pinal na galaw ng presyo matapos ang kalakalan ngayong Biyernes.

Ayon kay Romero, dulot ng pagbaba ng oil stock sa US at nagpapatuloy na sigalot ng Iran at Israel ang inaasahang pagtaas ng presyo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here