Home HOME BANNER STORY Oil price rollback, nakaumang sa sunod na linggo – DOE

Oil price rollback, nakaumang sa sunod na linggo – DOE

3
0

MANILA, Philippines — Posibleng bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, lalo na ang diesel, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ni DOE Oil Management Bureau Director Rino Abad na batay sa apat na araw na trading sa Mean of Platts Singapore, inaasahan ang mga sumusunod na galaw sa presyo:

Gasolina: P0 hanggang P2 bawas kada litro
Diesel: P2 hanggang P3 bawas kada litro
Kerosene: P0 hanggang P0.50 bawas kada litro

Ayon kay Abad, limitado ang epekto ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa pandaigdigang presyo ng langis dahil sa pabago-bagong mga kaganapan sa sigalot.

“Mukhang nalilito ang oil market kaya di sila makadiretso ng taas, hindi rin sila makadiretso ng baba. Kaya ang epekto, nagiging stable yung galaw ng daily trading at hindi malakihan yung mga nangyayaring paggalaw,” ani Abad.

Dumating ang pahayag matapos bawiin ni US President Donald Trump ang banta ng panibagong pag-atake laban sa Iran at sabihin na posibleng magkaroon ng kasunduan upang tuluyang matigil ang sigalot.

Nilinaw rin ni Abad na nasa pagitan pa lamang ng P70 hanggang P90 kada litro ang kasalukuyang presyo ng mga produktong petrolyo at hindi pa inaasahang lalampas sa P100 kada litro batay sa monitoring ng DOE.

Patuloy din umanong mino-monitor ng ahensya ang mga gasolinahang nagtatakda ng hindi awtorisadong dagdag-presyo at hinikayat ang publiko na iulat ang mga lumalabag. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here