Home METRO Oktubre 26, idineklarang special non-working day sa Lemery, Batangas

Oktubre 26, idineklarang special non-working day sa Lemery, Batangas

1
0

MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na special non-working day ang Oktubre 26 sa Lemery, Batangas para ipagdiwang ang founding anniversary nito.

Nakasaad sa Proclamation No. 1484 na inilabas ng Malakanyang na idinedeklarang special non-working day ang araw ng Lunes, Oktubre 26, sa Lemery, Batangas upang ipagdiwang ang Founding Anniversary sa Oktubre 25, bumagsak ng araw ng Linggo, upang magawa ng mga mamamayan ng Batangas o ng mga Batangueño na ganap na magpartisipa sa nasabing okasyon.

“It is but fitting and proper that the people of the Municipality of Lemery be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion and enjoy the celebration,” ang mababasa sa proklamasyon.

Sa pahintulot ng Pangulo, nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto ang proklamasyon noong Oktubre 14. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here