Home HOME BANNER STORY Ombudsman: Bulacan, “epicenter” ng ghost flood control projects

Ombudsman: Bulacan, “epicenter” ng ghost flood control projects

221
0

MANILA, Philippines – Tinawag ng Office of the Ombudsman si Bulacan bilang “epicenter of ghost flood control projects” sa bansa.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, karamihan ng naiulat na ghost projects ay nasa Bulacan, ngunit patuloy nilang binabantayan ang ibang bahagi ng bansa.

Maraming organisasyon, tulad ng Bisto.ph o “Bisto Proyekto”, ang tumutulong sa citizen monitoring ng mga proyekto upang malaman kung totoo o pekeng flood control projects ang ipinatupad.

Sa kasalukuyan, may dalawang kaso na ang naisampa sa Sandiganbayan laban sa P92.8 milyon na flood control scam sa Pandi, Bulacan, kabilang ang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at malversation ng pondo sa pamamagitan ng pekeng dokumento.

Simula Oktubre 2025, nagsumite ang Commission on Audit (COA) ng maraming fraud audit reports (FAR) sa Bulacan na may halagang higit P3 bilyon, kaugnay ng ghost flood-control projects na ipinatupad ng DPWH Bulacan District at iba’t ibang kontratista tulad ng Wawao Builders at Syms Construction Trading.

Bukod sa Bulacan, may dalawang iba pang kaso na isinampa — isa sa Sandiganbayan at isa sa Regional Trial Court ng Lapu-Lapu City. Marami pang kaso ang kasalukuyang iniimbestigahan ng Ombudsman at DOJ. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here