MANILA, Philippines – Hindi na iginigiit ni dating Bulacan 1st district assistant engineer Brice Hernandez na maging state witness dahil siya ay itinuturing na “cooperative witness,” sabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong Biyernes.
Pumunta si Hernandez sa Office of the Ombudsman noong Huwebes bilang bahagi ng fact-finding investigation nito sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Remulla, hindi na pinipilit ni Hernandez na maging state witness dahil nakita nila na ang mahirap gawin na magbigay ng blanket immunity lalo na sa ghost prject.
Si Hernandez, na nagsangkot ng ilang mambabatas sa gulo sa flood control, ay naghahangad na maituring na state witness sa imbestigasyon.
Ito ay matapos i-refer ng Department of Justice (DOJ) sa Office of Ombudsman ang mga rekomendasyon nito na magsampa ng ilang kaso laban sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways ng Bulacan First District Engineering Office at mga kontratistang sangkot sa kontrobersiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden