Home NATIONWIDE Ombudsman, SC nagkasundo sa pagpapalakas sa justice sector

Ombudsman, SC nagkasundo sa pagpapalakas sa justice sector

1
0

MANILA, Philippines – ‎Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, at mga kinatawan ng Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Justice Sector Coordinating Council (JSCC) nitong Lunes, Oktubre 26.
‎
‎Sa ilalim ng MOA, opisyal nang kabilang ang Office of the Ombudsman sa Justice Sector Coordinating Council.
‎
‎Layunin ng kasunduan na palakasin ang koordinasyon ng justice system sa bansa.
‎
‎Aniya, hindi dapat iisang institusyon lang ang lumalaban sa korapsyon kaya isinulong ang pagsali ng Ombudsman sa konseho.
‎
‎Ganito rin ang iginiit ni Chief Justice Gesmundo — ang pagsusulong ng katarungan at paglaban sa korapsyon ay hindi trabaho ng iisang ahensya kundi pagtutulungan ng lahat.
‎
‎Kabilang sa mga layunin ng kasunduan ang pagbuo ng mekanismo para sa konsultasyon at koordinasyon ng sektor at pagtataguyod ng protocols upang matiyak na naaayon sa batas ang pagbabahagi ng impormasyon at datos.
‎
‎Gayunpaman, binigyang-diin ni Remulla na kailangang maipakita sa publiko ang konkretong aksyon at hindi matatapos lamang sa kasunduan at pagpupulong ang laban kontra korapsyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here