Home METRO Omil Poblete sinamahan ng libong Silangueno sa Comelec

Omil Poblete sinamahan ng libong Silangueno sa Comelec

118
0

MANILA, Philippines – Nagmistulang malawakang prayer rally ang senaryo sa Comelec kaninang umaga sa Silang, Cavite.

Ito ay nang magdesisyon ang mga Silangueno na samahan ang kanilang ‘nanay Omil’ na nais nilang maluklok muli bilang alkalde ng Silang, Cavite sa pagsumite ng kanya Certificate of Candidacy sa Comelec.

Makikita sa video at maging sa larawan ng mga nagpost sa kanilang Facebook account na tila di alintana ang init bagkus ay galak na galak ang mga supporters ni Poblete kung saan ang iba ay sumasayaw pa malapit sa tanggapan ng Comelec.

“Ay talagang nagpumilit kami sumama. Nag pagawa din kami ng tshirts ng gaya sa ibang suporters ni Mayor Omil. Talagang nais namin siya bumalik at maibalik din ang sigla ng Silang,” sabi ng isang Linda na vendor sa Silang.

Matatandaan na kahit wala na sa tungkulin, inuulan pa rin ng papuri ang dating alkalde dahil patuloy pa rin ito sa pangangamusta sa kanila.

Patuloy din siya sa pagtulong sa kaya nito makaraang magpahinga sa pagka-Alkalde.

“See you soon mga mahal kong Silangueno. Talagang hindi ko kaya kayong tiisin. Kaya sama-sama tayo sa laban ng ikakauunlad ng Silang. Salamat po sa inyong pagmamahal at tiwala,” pahayag ni Poblete.

Ayon sa mga dumalo, inaaaahan na nila ang landslide na pagwawagi ni Poblete sa darating na eleksyon sa 2025. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here