MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasagip ang isang buwang gulang na sanggol na ibinenta umano sa Facebook ng tagapag-alaga nito sa halagang P90,000 isiniwalat na maaaring isa sa pinakamadilim at nakakagambalang modus operandi sa internet.
Isinagawa ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC) ang entrapment operation sa Pasay City noong Hulyo 3 ang pag rescue sa sanggol. Kaugnay nito binatikos ng National Authority for Child Care (NACC), na sumali sa tagong operasyon, ang patuloy na pagbebenta ng mga sanggol sa kabila ng mahigpit na babala ng gobyerno.
“Ang pagbebenta ng bata para sa pera ay isang imoral, iresponsable at makasarili na gawain. Ang isang magulang na nag-iisip na siya ay walang kakayahan sa pagpapalaki ng isang bata ay maaaring madaling humingi ng suporta sa barangay women’s desk, o sa Local Social Welfare and Development Office. Huwag na po sanang pagkakitaan at ilagay sa ilalim ng panganib ang bata” sabi ni NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada.
Kaugnay nito pinaigting pa ng PNP WCPC ang operation laban sa ilegal na pagbebenta ng mga sanggol online.
Sinabi pa ng mga awtoridad na sa ngayon, nasagip na nito ang 11 bata at naaresto ang 16 na salarin ngayon taon at isa sa mga naaresto ay nahatulan ng krimen kaugnay ng naturang kaso.
Nitong Hunyo 16, sinabi ng PNP WCPC na namonotor nito ang 12 Facebook group na aktibong nangangasiwa ng “online baby selling”. Ang nasabing mga online page ay may pinagsama-samang mga 200,000 followers na binibigyang- diin ang lalim ng kanilang sajlae at impluwensya sa social media. (Santi Celario)