MANILA, Philippines – Naglunsad ng crackdown ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) laban sa mga predatory online lending applications (OLA) sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa finance technology firm na Copperstone Lending, Inc.
Ayon kay CICC information officer Shekaina Lim, layunin ng partnership na makabuo ng “safer lending landscape,” kasunod ng mga ulat na maraming OLA ang nag-aalok ng instant loans ngunit may nakatagong bayarin at sangkot sa harassment.
“The collaboration seeks to move Filipinos toward a ‘courageous employment’ of online financial services by stripping away the fear and negative impressions created by illegal operators,” ani Lim.
Pormal na nilagdaan ang memorandum of agreement noong Martes sa Quezon City. Sa ilalim nito, magsasagawa ng public information campaigns ang CICC at Copperstone upang tulungan ang publiko na makilala ang mga lehitimong lenders, bumuo ng mga polisiya laban sa OLA-related cybercrimes, at magbigay ng technical at regulatory support.
“By promoting transparency and rigorous enforcement, the CICC and Copperstone aim to ensure that financial technology remains a tool for empowerment, not a weapon for extortion,” dagdag ni Lim.
Mula Enero 1 hanggang Pebrero 10, nakatanggap ang CICC ng 278 reklamo na may kaugnayan sa 75 online lending apps, ngunit 23 lamang sa mga ito ang rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC). Kabilang sa mga reklamo ang harassment, loan scams, hidden loan terms, at advance fee fraud.
Ipinakita rin ng datos na ang mga edad 18 hanggang 29 ang pinakaapektado ng predatory lending apps.
“This indicates that digital natives are being specifically targeted in the apps and social spaces they frequent most,” ani Lim.
Pinayuhan ang publiko na i-report ang online lending harassment o scams sa pamamagitan ng Inter-Agency Response Center Hotline 1326. Nauna nang iniulat ng SEC na may 22 unregistered lending apps na patuloy na nag-ooperate sa kabila ng pagbabawal sa ilalim ng SEC Memorandum Circular 10, series of 2021. Dave Baluyot