Home METRO Online seller na wanted sa attempted murder, timbog sa Caloocan

Online seller na wanted sa attempted murder, timbog sa Caloocan

223
0

NASAKOTE ang isang online seller na wanted sa kaso ng tangkang pagpatay sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City.

Kinilala ni P/Lt. Col. Robert Sales, hepe ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang naarestong akusado bilang si Shenry John Betgue, 22, online seller ng Crystal Ph 7C Barangay 176.

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni P/Lt. Col. Sales na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng DSOU na muling naispatan ang presensiya ng akusado sa Barangay 176.

Bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni P/Lt. Armando Pandeagua Jr. saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa Langut Road, Brgy. 176, dakong alas-2:18  kahapon.

Ani P/Lt. Col. Sales, si Betgue ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Primo Elvin L. Siosana ng Regional Trial Court (RTC) Branch 128 ng Caloocan City noong June 30, 2023, para sa kasong Attempted Murder.

Pansamantalang nakapiit sa costudial facility unit ng DSOU-NPD ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Rene Manahan

Previous articleTindero ng isda, matadero nabitag drug buy bust
Next articleRice price cap magba-‘backfire’ sa magsasaka, mamimili – farmers group

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here