Home ENTERTAINMENT OOTD ni Kathryn na labas-pusod, pinag-uusapan!

OOTD ni Kathryn na labas-pusod, pinag-uusapan!

1
0

Manila, Philippines – Sexiness overload ang drama ni Kathryn Bernardo nang dumalo sa 17th anniversary party ng Aivee Clinic.

Naroon din ang mga celebrity clients ni Dra. Aivee Teo.

Dalawang bagay ang nakatawag-pansin sa presence ng Kapamilya actress.

Una, she came without her rumored boyfriend Lucena City Mayor Mark Alcala.

Sinadya bang no-show ang young chief executive para makaiwas sa mga bashings ng kanyang mga nasasakupan?

Ikalawa’y ang kasuotan ni Kathryn, na simple lang naman.

She showed up in low-waist denim pants and black crop top na may nakasulat na “Bebe.”

Pero ang agaw-eksena ay ang flat abs niya with matching piercing sa pusod.

Mas sexy ang peg niya–a total departure noong sila pa ni Daniel Padilla.

Well, baka naman liberal-minded si Mayor Mark at okey lang ang ganoong outfitan ng nobya.

Teka, ang dapat na basic question–sila pa ba? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here