Home NATIONWIDE OP nanindigan sa pagsuspinde sa Davao del Norte gov

OP nanindigan sa pagsuspinde sa Davao del Norte gov

MANILA, Philippines- Iginiit ni Executive Secretary Lucas Bersamin na walang naging paglabag sa karapatan dahil may “due process” matapos nitong ipag-utos ang preventive suspension laban kay Davao del Norte Governor Edwin Jubahib.

Si Jubahib ay sinuspinde sa gitna ng reklamo ng umano’y “misuse of authority, potential oppression, and the utilization of government funds to advance the interests of a private company.”

Nilagdaan ni Bersamin ang suspension order.

“The issuance of the preventive suspension did not violate Gov. Jubahib’s right to due process. Firstly, this office ordered the respondent’s suspension to prevent any undue interference in the conduct of the investigation,” ayon kay Bersamin sa isang kalatas.

“Secondly, the preventive suspension of Gov. Jubahib was ordered only after the issues were joined in accordance with Section 63 (a) of Republic Act No. 7160 and Sections 1 and 4, Rule 6 of Administrative Order No. 23 series of 1992,” dagdag na pahayag ni Bersamin.

Nauna nang sinabi ni Jubahib na ang suspension order laban sa kanya ay “pure political harassment” at nangako na hindi bababa sa pwesto.

Aniya pa, ang affidavit complaint para sa “grave abuse of authority and oppression” ay inihain ng Board Member ng lalawigan at walang merito ng suspension order.

Sinabi pa nito na hindi man lamang siya binigyan ng pagkakataon na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya bago pa inilabas ang suspension order.

Sa panahong isinilbi ang kautusan, napaulat na nagsagawa ng barikada ang mga taga-suporta ni Jubahib sa mga gate ng Provincial Capitol.

“Let us fight the harassment, injustice, and power tripping perpetrated by the people who are greedy for power,” ang sinabi ng gobernador sa kanyang mga taga-suporta.

Gayunman, pinanatili naman ng OP na ginawa ito sa pamamagitan ng “thorough assessment of the administrative complaint.”

“The OP found that the complaint sufficiently alleged grave abuse of authority and oppression on the part of Gov. Jubahib,” ayon sa OP.

Samantala, itinalaga naman si Vice Governor Oyo Uy bilang officer-in-charge (OIC) para sa 60 araw subalit nakatakda namang maghain ng petisyon si Jubahib para sa temporary restraining order (TRO) sa Korte Suprema. Kris Jose