Home NATIONWIDE Operasyon ng bus na sangkot sa SCTEX deadly accident, sinuspinde ng DOTr

Operasyon ng bus na sangkot sa SCTEX deadly accident, sinuspinde ng DOTr

MANILA, Philippines – Ipinatigil ng Department of Transportation (DOTr) ang operasyon ng Solid North Transit Inc. matapos masangkot ang isa nitong bus sa malagim na banggaan sa SCTEX toll plaza sa Tarlac City.

Ang nasabing aksidente ay naging dahilan ng pagkasawi ng 10 katao, kabilang ang apat na bata, at ikinasugat ng 37 iba pa.

Inamin ng driver na nakatulog siya habang nagmamaneho at siya’y kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, ang bus ang bumangga sa mga sasakyang nakapila sa toll booth.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Antipolo, kabilang ang mga magulang ng isang batang lalaki na nakaligtas ngunit naiwan mag-isa. RNT