MANILA, Philippines – Suspendido ang operasyon ng ilang korte sa Bicol Region dahil sa sama ng panahon ngayong Lunes, Pebrero 9.
Partikular na walang pasok ang ilang korte sa Camarines Norte at Catanduanes.
Lahat ng trial courts sa Camarines Norte ay suspendido ang operasyon, ayon na rin sa abiso ng PIO ng Korte Suprema.
Sa Catanduanes naman ay wala ring pasok sa Municipal Circuit Trial Court ng Panganiban-Viga-Bagamanoc.
Para makatugon sa mga importanteng transaksyon, pinasisiguro naman ng Korte Suprema na may hotline, email, o skeleton force ang mga ito.
Kabilang dito ang aplikasyon para sa bail o piyansa, paglalabas ng release order, writs of habeas corpus at kahalintulad na aksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden.