Home SPORTS Opisyal line-up ng Gilas Pilipinas sa OQT, inilabas

Opisyal line-up ng Gilas Pilipinas sa OQT, inilabas

MANILA,Philippines – Susubukan ng Gilas Pilipinas na makakuha ng ticket sa 2024 Paris Olympics kapag lumaro sila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo 2 hanggang 7 sa Latvia.

Nauna nang sinabi ni national team head coach Tim Cone na ang koponan ay mananatili sa 11 manlalaro sa kabila ng pagkawala ng mga serbisyo nina Scottie Thompson, AJ Edu, at Jamie Malonzo dahil sa injury.

Pangungunahan ng naturalized player na si Justin Brownlee ang kampanya ng nationals sa pagharap nila kontra Georgia at Latvia sa group stage ng qualifiers, kasama ang core na binubuo nina June Mar Fajardo, Dwight Ramos, Kai Sotto, CJ Perez, Chris Newsome, Kevin Quiambao, Calvin Oftana, at Carl Tamayo.

Maglalaro din sa OQT sina Japeth Aguilar at Mason Amos.

Makakaharap ng Gilas ang Latvia at Georgia sa Hulyo 4 sa alas-12 ng umaga at alas-8:30 ng gabi, ayon sa pagkakasunod.JC