Home TOP STORIES Opisyal ni Trump, target ng suspek sa pamamaril sa White House dinner

Opisyal ni Trump, target ng suspek sa pamamaril sa White House dinner

98
0

WASHINGTON, USA – Sinabi ng mga imbestigador na ang lalaking nagtangkang sumugod sa isang gala dinner na dinaluhan ni Donald Trump ay umano’y nagplanong targetin ang mga matataas na opisyal ng gobyerno ng US.

Sa ulat, mabilis na inilikas si Trump ng United States Secret Service mula sa ballroom ng isang hotel sa Washington matapos magpaputok ang suspek, na agad ding naaresto matapos ang palitan ng putok.

Ayon sa acting US Attorney General na si Todd Blanche, “He’s not actively cooperating. I expect that he will be formally charged tomorrow morning in federal court in Washington,” at sinabi rin niyang “We do believe… that he was targeting members of the administration.”

Dagdag pa ng opisyal, walang malinaw na motibo sa ngayon, ngunit armado ang suspek ng shotgun, handgun, at mga kutsilyo, at nanatili rin umano sa parehong hotel kung saan ginanap ang okasyon.

Ayon sa imbestigasyon, naglakbay umano ang suspek mula Los Angeles patungong Washington sakay ng tren at nakabili ng mga armas sa loob ng nakaraang ilang taon.

Nagkagulo sa event kung saan dumalo rin ang First Lady, mga opisyal ng gabinete, at mga mambabatas, habang nagtatago ang mga bisita sa ilalim ng mga mesa nang marinig ang putok.

Sinabi ni Trump na inakala niya munang may nabasag na plato bago niya napagtanto na putok ng baril ito, at idinagdag na “lone wolf” umano ang suspek base sa paunang impormasyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang ini-evaluate rin ang seguridad ng venue kung saan naganap ang insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here