MANILA, Philippines – Naglunsad ng ‘Oplan Harabas’ nitong Martes, Oktubre 28 ang Department of Transportation (DOTr) 13 na suportado ng Philippine Drug Enforcemnt Ageny (PDEA-13) at iba pang regional law enforcement agencies para sa nalalapit na pagdaraos ng Undas.
Kasama sa hakbang ang surpresang mandatory drug testing para sa mga driver at conductor ng public utility vehicle (PUV) para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga biyahero sa rehiyon bago ang All Saints day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2.
Kasabay ng Oplan Harabas, inilunsad din ng PDEA -13 ang ‘Oplan Undaspot’ sa pamamagitan ng pagsasagawa ng drug test sa mga driver at konduktor sa Langihan Terminal at Robinsons Terminal sa lungsod na ito.
Bago ang Oplan Harabas, inihayag ng Police Regional Office (PRO) 13 ang deployment ng 1,816 police personnel para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng Undas sa rehiyon.
Nakasaad dito na ang mga tauhan ng pulisya ay itatalaga sa mga sementeryo, pampublikong lansangan, paliparan, daungan, bus terminal, simbahan at iba pang lugar ng pampublikong convergence.
Ang mga opisyal ng pulisya ay itatalaga rin sa mga help desk sa mga sementeryo sa rehiyon, gayundin ang mga itinalagang motorist assistance center sa mga pangunahing national highway sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden