Home METRO Oral arguments sa Maharlika Investment Fund, kinansela ng SC

Oral arguments sa Maharlika Investment Fund, kinansela ng SC

231
0

MANILA, Philippines — Kinansela ng Supreme Court ang dapat  sana na oral argument na idaraos ngayong araw, July 8 at bukas July 9 kaungay sa petisyun kontra sa Maharlika Investment Fund ng administrasyong  Marcos.

Ito ang kinumpirma ni Atty Camille Ting tagapagsalita ng korte suprema.

Magugunita na sa petition for certiorari nina dating senador Koko Pimentel at Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, ang Maharlika Investment fund ay pakikialam sa independence ng Bangko Sentral ng Pilipinas at hindi naman ito tumutugon sa economic viability test ng saligang batas.

Ang naturang hakbang anila ay labag sa “no amendment clause” sa ilalim ng konstitusyon.

Inakusahan din nila Pimentel at Colmenares ang Pangulo na umabuso sa desisyun ng sertipikahan ito noon bilang urgent bill.

Dati nang hiniling ng Office of the Solicitor General sa SC na inasura ang petisyun nila Pimentel.

Iginiit ng OSG na ginampanan lamang ng legislative at executive branch ang kanilang constitutional prerogatives sa pagtatatag ng sovereign wealth fund batay sa pagsusuri sa ilang datos. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here