Home NATIONWIDE Orly Guteza biktima ng notarization issue — Marcoleta

Orly Guteza biktima ng notarization issue — Marcoleta

275
0

MANILA, Philippines – Biktima ng notarization issue ang surprise witness na si Orly Guteza, na nag-ugnay kay dating House Speaker Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects, ayon kay Senador Rodante Marcoleta nitong Miyerkules, Nobyembre 20.

“Si Guteza ay biktima po rito. Siya po ‘yung nabiktima rito,” ani Marcoleta kasabay ng interpelasyon para sa badyet ng judiciary.

“Pero siya ngayon ang kakasuhan ng falsification, ng perjury, ang tanging kasalanan niya ay lumabas lamang at nagpasya para tulungan ang estado hanapin kung sino ang utak ng maka walanghiyang nangyari sa ating bansa,” dagdag pa ng senador.

Matatandaan na isinawalat ni Guteza na personal niyang inihatid ang mga maleta ng pera sa bahay ni dating lawmaker Zaldy Co at dating speaker Martin Romualdez. 

Noong Oktubre, sinabi ng Manila Regional Trial Court na ang pirma sa affidavit ni Guteza ay hindi pagmamay-ari ng nasa pangalan sa dokumento.

Ayon sa opisina ni Lacson, inirekomenda ng Manila RTC executive judge na si Guteza at ang mga responsable sa pagpresenta ng kanyang affidavit ay “undergo preliminary investigation for falsification.”

Ani Marcoleta, inilagay ni Guteza ang buhay nito at kanyang pamilya sa panganib dahil sa kanyang testimonya sa Blue ribbon committee.

Samantala, sinabi ni Marcoleta na humiling siya ng tatlong sample mula sa Manila executive judge upang maikumpara ang mga dokumento at mapatunayan na hindi pineke ni Guteza ang pirma.

Dito niya tinanong sa Senate plenary kung ang judge ba ay gumawa ng grave abuse of discretion nang sabihin niyang siya ang mamimili kung anong sample ang ibibigay niya.

Sa pagtukoy naman sa court administration, sinabi ni Senador Kiko Pangilinan, budget sponsor, na ang office of the clerk of court ay may kustodiya sa notarial documents. 

“Therefore, having custody of these notarial documents, they therefore have the authority and discretion to decide which of these notarial documents, if three were requested, then they have authority to decide which of the three,” ani Pangilinan.

Kalaunan ay sinabi ni Pangilinan na papayagan si Marcoleta na tingnan ang notarial book sa ilalim ng supervision ng clerk of court.

“In other words, ilalapag diyan ‘yung mga dokumento, ‘yung notarial book, nandyan si executive judge, nandyan ang inyong staff, nandyan ‘yung clerk of court, at pwe-pwede pong busisiin at inspect itong mga librong ito,” ayon kay Pangilinan.

Susuriin ni Marcoleta ang dokumento ngayong Huwebes, Nobyembre 20.

“Sana ‘wag naman itago. Sapagkat ‘pag tinago po nila ay magkakaroon po tayo ng malaking problema.”

Samantala, sinabi ni Pangilinan na siniguro ng court administrator na hindi ito mangyayari. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here