Home ENTERTAINMENT Osang, ‘sinuhulan’ si Papa P!

Osang, ‘sinuhulan’ si Papa P!

Manila, Philippines – Hindi mapapasinungalingan ang pamosong kasabihan na: “The way to a man’s heart is through his stomach.”

Ito rin ang pinanghahawakang paniniwala ni Rosanna Roces.

Hindi n’yo maitatanong pero isang certified kitchen expert si Osang (tawag sa kanya in showbiz circles).

Whenever she gets the chance ay pagluluto ang pinagkakaabalahan niya sa bahay.

Minsan na nga niyang nasabi na: “Hayun tuloy, nagtatabaan kami sa bahay!”

Wala raw kasi siyang ginagawa kundi maging abala sa kusina, kaya nabubundat sila ng asawa niyang si Blessie.

Now you may be curious to ask: ano ba ang specialty ni Osang?

Top on the list ay ang paksiw na bangus belly.

Hindi nga ba’t kahit anumang luto sa bangus ay “to die for” ang matabang tiyan nito?

Bukod doon, panalo rin ang tapang usa ng aktres.

Dalawa lang ito sa aniya’y aligaga niyang niluto para kay Piolo Pascual.

Ito ay nu’ng kaeksena niya si Papa P sa seryeng Pamilya Sagrado.

Ikaw na ang nay payak na pamumuhay sa kanyang farm sa Batangas, hindi ka ba gaganahang kumain kahit mag-isa ka lang?

‘Yon naman daw paksiw na bangus at tapang usa na niluto niya para kay Poolo were meant to be shared.

Kelan naman kaya ipapatikim ni Osang kay Piolo ang “luto ng Diyos”?

At this point, malabo nang mangyari ‘yon as Osang is happily married.

As in going straight na siya, pramis! Ronnie Carrasco III