Home NATIONWIDE OVP chief of staff Lopez magbibitiw na sa pwesto – Sara

OVP chief of staff Lopez magbibitiw na sa pwesto – Sara

MANILA, Philippines – NAGPAHIWATIG na si Office of the Vice President (OVP) chief of staff Atty. Zuleika Lopez na magbibitiw sa puwesto matapos na ipag-utos ng mga mambabatas na -cite for contempt at ilipat sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong.

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na labis na na-trauma si Lopez matapos na ideteni sa custodial center ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong November 20.

Napaulat na pumasok ang mga police officers sa detention room ni Lopez sa House of Representatives (HoR) nang hatinggabi ng araw ng Sabado para ipatupad ang transfer order sa Correctional Institute for Women.

Itinakbo siya sa ospital matapos sumama ang pakiramdam nang malaman ang kautusan.

“Sabi niya, ‘I want to resign. I want to resign from the Office of the Vice President’ and I told her okay. Sabi niya, ‘I want to go home to my mother’,”ang sinabi ni VP Sara sa isang panayam sa Veterans Memorial Medical Center.

Sinabi pa ni VP Sara na nais ni Lopez na hilingin ng una sa mga opisyal na hayaan na siyang umuwi sa kanyang ina.

“And then sinabi ko, ‘at this point, that is truly impossible’,” dagdag na wika nito.

Tinuran pa ni VP Sara na tila binangungot na si Lopez “of someone smothering her with a pillow” at wala ng ganang kumain.

Sinabi pa ni VP Sara na mananatili si Sen. Christopher “Bong” Go kasama si Lopez kapag nagpunta ito at gustong makita ang kanyang mga anak.

“She demanded lawyers stay outside the room 24 hours a day. Gusto niya daily lawyer meeting,” ang sinabi ni VP Sara sabay sabing darating ang ina ni Lopez araw ng Lunes, Nobyembre 25.

Si Lopez ay pinayagan na ng doctor nito na ma-discharged mula sa St. Luke’s Medical Center bago pa ibalik sa Veterans Memorial Medical Center para sa mas marami pang pagsusuri.

Sa kabilang dako sinabi naman ni VP Sara na dadalo pa rin si Lopez sa mga pagdinig sa Kongreso sa kung paano ginamit ng OVP at Department of Education, kung sa kapuwa pinamumunuan ni VP Sara hanggang Hulyo, ang confidential funds na ipinagkaloob noong 2022 at 2023.

Samantala, binatikos naman ni VP Sara ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability at itinuturing bilang isang political attack para i- discredit siya at tulungan si Speaker Martin Romualdez sa sinasabing ambisyon para sa pagka-pangulo.

Si Romualdez ay hindi naman naging aktibong kalahok sa pagdnig kung saan ang mga miyembro ay naghahangad ng pananagutan para sa public funds, subalit ipinanukala na dumalo si VP Sara at mag-testify sa ilalim ng panunumpa.

“On that point, nanalo si Martin Romualdez. She’s resigning. Tatapusin lang niya ‘yung hearings,” ayon kay VP Sara.